Monday 1 July 2013

the wedding!


petiks moment pa sa work (scary..it's too quiet! parang may nagbabadyang delubyo!). newayz..habang naaalala ko pa ang moments ko, i might as well blog it to keep it documented.

sabi nila, one of the happiest moment sa buhay ng babae eh ang wedding day niya. kaya siguro ung ibang mga babae..nagpapaka-bridezilla pagdating sa pag-aayos ng wedding niya. or ung iba eh gusto eh the best for their wedding (kahit na skyhigh sa gastos at magkabaon-baon muna sila sa utang mag-asawa). but for me...i just want it simple! as much as possible (yeah right! simple daw)...ayoko mashado ng atensyon (yeah right!). basta ang requirements ko lang sa kasal ko, estrel's ang cake at may tumutugtog  na band. un na! in the end, i got it and more! ngayon..kahit 1 week na after the wedding, habang isa isang nag-u-upload ng pics ang mga friends/relatives, natutuwa ako. at ngayong tapos na ung wedding ko, tsaka ko narealize na masaya pala ang pagpreprep ng wedding! parang namiss mo ung stress/dami ng ginagawa at iniisip sa pagpreprep. samantalang nung nag-preprep ka, stressed na stressed ka at gusto mo lang matapos. tapos nung tapos na, narealize mo na masaya pala..sana inenjoy mo. so yun ang tip ko sa mga next na ikakasal, i-enjoy mo lang! wag magpaka-stress!

basta ang ginawa lang namin..nililimit lang namin ung option para mas madali makadecide. tipong meron lang kaming 1-3 options. pag mas maraming options, mas kagulo. kaya in the end..ndi tipid ung wedding namin. ndi rin sobrang mahal. sakto lang (well, feeling ko sakto lang. but mot would say otherwise. hehehe).

newayz..ang details ng aming kasal...

the church...ST BENEDICT CHURCH sa ayala westgrove. i liked this church kasi maganda at malapit lang sa amin. un nga lang...may kamahalan, strikto ang pari, at kawawa si mot magpabalik-balik para makumpleto namin ung requirements. partida, laking tulong na ng nanay ko pero ang layo pa rin talaga kay mot. tsaka partida na to, kasi originally, i wanted the church near tagaytay. ang hindi ko na-factor in...kawawa nga si mot magpabalik balik and you have to pay for out of town fees for some of the suppliers. kaya lang kung manila, ndi ko naman maisip anong gusto kong church at reception venue. kaya ok na rin. but on the day, mejo mainit sa church (parang ndi aircon) at super duper haba ang sermon ng pari! parang 1 oras ata sermon niya. sabi nalang ni abet, "un pala pari niyo? un ung pari sa dasma noon. kaya ayoko magsimba." hahaha!

the reception venue...NUVALI TREVEIA CLUBHOUSE. eto pa ung isang problem kung magpapakasal ka sa st benedict church. wala mashadong options for reception venue. pwedeng sa paseo premier hotel. nakapackage na lahat. ika nga ng kapatid ko, ready na lahat (pati kalapati), pupunta ka nalang dun. kaso maarte ako. ndi ko type ung nasa menu nila for that price. at gusto ko pahirapan sarili ko, si mot as si nanay ko. haha! option nalang namin eh treveia o westgrove na clubhouse (fortunately, lot owner si tatay kaya may options ako). westgrove eh hanggang 150 guests lang. nuvali, upto 200 guests. sige un nalang! problema eh limited lang kami sa 200 guests (problema nga ba un or blessing? may excuse to limit the guests to 200! some may think marami na ang 200, pero sa laki ng pamilya ko at close kami to the nth degree, goodluck! in the end, 140 sa kin, 60 kay mot. poor mot! and he paid for the whole wedding!). on the day itself...sabi daw aircon ung venue..pero haler! napakainit!!! tagaktak pawis. at un nga. masikip. we had to move 1 of the vip tables to the side para makasayaw kami ng mga pinsan ko (yes..i danced! or at least, tried to dance..hahaha). at ndi mashado maganda acoustics. i was wondering bat parang walang nakikinig nung program (buti nalang din kasi ndi nila naintindihan ang panglalaglag na nangyari). sabi ni pogs dahil daw sa acoustics. mashadong maingay. ndi mo na marinig mashado anong sinasabi. in the end, ok na rin. nagkasya naman lahat. nakasayaw kaming magpipinsan. at nairaos ang kasal. hahaha!

the caterer...HIZON's. winner ito i swear! at super ok kasi ndi kami chinarge ng out of town fee. ang pinagpipilian namin eh hizon's or josiah's or k by cunanan. turns out magkapatid pala ang owners ng hizon's at josiahs. at nabuildup nung dating kausap ng coordinator ni mot. at sabi pa niya eh k by cunanan eh maganda ang table setting pero ndi ganun kasarap ang food. so sige..go tayo sa hizon's. i also remember na sa wedding ni trina at derek, hizons din. so siguro ok na un. nabook na namin when i asked trina about them. sabi niya, good food, bad service. kasi nung time na un, nagreresign ung mga coordinators ng hizons kaya ung file nila ndi nahahandover ng maayos. on the day ng kasal nila, mali maling linens daw ung dala. nightmare for them. sabi ng nanay ko, ok lang un anak..tututukan nalang natin ang hizons. so ayun..tuloy kami kay hizons. naka-6 atang food tasting si mot (nabobola niya si jorina..ung original naming kausap sa hizons). pag may food tasting event ang hizons..iniinvite na siya kagad. tsaka tuwing andun ako, magfoodtasting kami ulit (ung first ko, pinagfoodtasting kami kahit na ndi un ung menu para sa package namin. ung second eh food tasting para matikman ko ung napiling menu nila nanay and mot. silang dalawa ung nagfinalize ng menu eh. wala ako. thank you Lord for my nanay!). tapos ung setup ng hizons..natiyempuhan namin na may bago sialng gimik. meron na silang catalog ng mga table setup. pipili ka nalang alin dun. un nga lang wala sila ng gusto ko (originally gusto ko puro white flowers..tapos jute lang na accent/table cloth). pangit nung white na options sa catalog. so ang bagsak..all green! pwede na din. nagbayad pa kami ng mockup. un pala ndi na kelangan. kasi kung ano ung nasa catalog, kayang kaya nila gawin. pati nung wedding..ganun na din (except sa background nung couple's table..pero pwede na rin). in the end, ok naman ito. at sabi ni pogs, sarap daw ng food. at ndi sila nagutom (unlike pag sa hotel ginawa na mahal na, tapos sineservean ka lang ng plate. soshal nga kaso maliit portions ng food). actually, more than enough pa ung food. kasi ang daming sobra.

the photographer/videographer...nice print. originally, gusto ko sana iba ung photog. kaso mahal tapos ndi pa kasama video nun. si pogs ang nagbuildup na niceprint nalang. at least naka-package na na photo and video. dahil dun, ok na to. ndi siya mura. mid-range lang. basic lang package namin. i didn't want a photobooth (nawawala na ung focus sa couple) at ayoko rin ng on-site edit na video, mahal un eh. too late na nung nalaman namin na you can request for a photog at kung sino ang magaling sa kanila. pero ok naman na din ung na-assign sa ming photog nung prenup. kaya siya na rin ung kinuha namin for the wedding mismo. crossing my fingers nalang na ok ung kalabasan ng pics namin. feeling ko ang konti ng pics namin. pero sana ok naman.

the cake...ESTREL'S. ang pangarap kong cake. yummy kasi ang caramel cakes nila. at mura lang! ang problema..they don't deliver. you have to pick it up from the shop (yes..3 layers na cake). buti nalang lai offered to pick it up for us! at ang galing galing nila ni kretz at milanne..nakarating ang cake sa venue ng walang galos! amazing wonderful splendid! i just feel bad kasi kagabi ko lang nalaman na ndi umabot sa table nila ung cake. cherry told me na sa table nila, when lenny asked the waiter for cake, sabi daw eh ubos na. huwat!? eh ang dami pang natira. pinamigay nga lang in the end ung cake. pina-takeout ni nanay. pati waiters may takeout. ndi naman nila sinabi sa kin. or sana lumapit sila sa cake. kasi ang daming naka-slice, wala naman kumuha. sayang!

the acoustic band...TOTALLY MESMERIZED...two thumbs up! mura lang sila. sulit na sulit! sila ung original na gusto kong tumugtog sa wedding. matagal na, na-save ko na sa email ko ung name nila. tapos i forgot about them. gusto ko sana totoong band para parang nanonood lang kami ni mot ng banda on our date nights. kaso, aabutin kami ng more than 50k para sa full band dahil sa out of town fees! so ndi nalang! nagtanong ako ng recommendations sa coordinator namin, at kasama ang totally mesmerized. buti nalang available pa sila noon. super ok! choir na choir ang dating sa church! ang galing galing! sa reception ok din!! nonstop sila. walang pahinga. sa end nalang ng reception sila kumain. kaso mo ndi namin sila nabigyan ng tip!!! ang engot to the nth level. hinandover na kasi sa coordinator ung mga envelopes pangbayad sa suppliers. ndi na namin nabago. if there was a supplier who deserves higher fees, sila na un! tapos nung kumakain na sila, nagrequest pa ung mga pinsan ko na mag-acoustic sila ng "now that i have you." ang ganda!! parang philharmonic orchestra! i should have added that in the song list pang church! buti nalang nirequest ng mga pinsan ko. basta super galing nila! at mura lang! highly recommended!

the hair/makeup artist...angela manhilot. ginaya ko lang to kay kate (hs barkada ko who got married last december). ung asawa niya is kakilala ni pam (isa pa naming barkada). ang galing nito! may kamahalan (well..mahal siya compared kung maghahire ako ng makeup artist na taga-cabuyao). pero nung naggagawa kami ng budget ni mot, i was joking na swerte ni mot maganda na ko, so kahit mura nalang na makeup artist ang kuhanin (bwahahaha!). and sabi ni mot, hindi..dapat nga mahal ung makeup artist..kasi mahirap ung gagawin niya para mapaganda ka. hence, tumaas ang budget pang makeup artist. ung ibang tao nagpapa-trial makeup pa sa iba ibang makeup artists tapos tsaka pipili. ako siya na talaga. good choice naman! ung trial ko eh ginamit namin pang-prenup. pagpunta niya sa condo, meron siyang maliit na maleta. pinapatong lang sa table tapos pagbukas, may lights na. parang pang pro! tapos nung wedding na, kala ko un ulit dala niya. but no, mas malaking maleta pa. may stand ung maleta..nacoconvert ung maleta into a table. para kang artista! complete with high chair pa ung dala nila. at feeling ko ang ganda ko nung wedding. pagka-makeup sa kin, asar talo ko kay pogs. sabi sa kin, "te..kamukha mo na lalo si k..si k brosas!" walang hiya. oh..ang gamit ni angel puro mac. dati siyang nagwowork sa mac. ngayon suma-sideline/racket racket nalang kasi full time mom na siya. basta sulit. ang galing na niya, ang bait pa, at ang ganda pa niya mismo.

the lights and sounds...artuz 101. last minute ko tong nabook. as in may na. kelangan kasi ng sounds/mic shempre ng acoustic band. so ayun..kaya sial nahire. ndi naman na-fully utilize. wala naman kasing mashadong moments para mag-dance dance. madalian ung reception eh. pero wala naman aberiya (maliban sa wrong version ng rock baby rock ang tinugtog nila..ang group dance namin. malay ko bang iba iba pala version nun). in the end, ok pa rin.

the bridal gown...BRIDAL VISION AU..off the rack ang gown ko. heavily discounted pa sa lagay na to pero mahal pa rin for PH standards. i think nakwento ko na before..it was the first shop we entered, first dress i tried on, tapos binili ko na. simpleng spag strap gown na may lace lace. but when i had it on, feeling ko ang ganda ko..so bili na kagad. ndi siya ung usual na tube top/puffy skirt na dress eh. even if hindi siya ung usual kong neckline, i loved it pa din. nung nakita ni vaan (ang stylist kong friend), mashado daw plain and her tita could have made it for me for just 10k lang. pero nabili ko na eh. tsaka gusto ko ung kita ko na kagad. baka mamaya pangit pala kalabasan pagkatapos kung nagpagawa ako. initially, ang plan is magpapagawa ako ng gown na gusto ko kay MILA S. DE LEON (supplier na ginamit ng friend ni mot when they got married nung december. maganda sana ung gown at mid-range din ang cost). nagpasukat na ko and all nung december. pero haler..ndi marunong sumagot sa email. so ayun..napabili tuloy ako ng gown. the cost that i paid eh kung ano ung dapat na presyo ng gown kung nagpagawa ako kay mila. ok na din! tapos dahil spag strap at strikto sa church na kinuha namin, kelangan kong magpagawa ng bolero kina vaan. proud akong i researched ung style ng bolero tapos ako rin ung nakahanap nung style na may belt na kimono-ish. buti nalang ang galing ng tita ni vaan. they executed it well. lalong gumanda/umarte ang simple kong gown. isa ko pa palang option is to buy a dress online (sa jenjenhouse). 200 dollars lang may gown ka na. kaso takot akong pano kung ndi maganda/sablay ung pagmeasure ko sa sarili ko. kaya ayun..napabili nalang ako dito. super happy na ok naman kinalabasan. at super love ko talaga ung gown ko. actually malaking hirap ung gown ko. of course..kelangan ko siya ihandcarry. mabigat ung gown ko. feeling ko 10 kilos pag binuhat mo. pero nung nilagay ko sa handcarry na maleta, 6 kilos lang siya (inclusive of the weight of the luggage). and perfect na i didn't choose a puffy one (nagkasya sa handcarry na maleta)..at lace lace siya so ndi mashado obvious na gusot. at nung nasa cabuyao na ko, kelangan ko siay icommute pamanila tapos eventually papunta sa condo ni vaan. so ang gown ko, nakapag-taxi, eroplano, tricycle, jeep, bus, mrt (ng rush hour! sardinas sa pitpit)!! no kidding!!! ang laking hirap ko sa gown ko! sulit naman pala!

the rings...pagawa ni mot sa suki niya sa bulacan. swerte ni mot ndi ako mahilig sa alahas. ndi ako particular sa bato. mga alahas ko binibigay lang sa kin (either by my tatay o ni mot). mot took care of the design at pagpapagawa. pinakita nalang niya sa kin gawa na. ndi ko pa gusto nung una kasi pinagawa pa niyang two-toned! nagmukhang white gold (dahil white gold ung sides tapos diamonds..so maputi on top). ndi bagay sa engagement ring! pinatubog pa ulit ni mot kasi maarte ako. gusto ko yellow gold lang. hence, napamahal pa kami!!! si mot kasi...ang hilig pa mangsurprise. alam namang ubod ako ng arte. lesson learned. eto pa..mot's ring is identical to mine...marami ring diamonds. mukhang pang-girl! eh maarte siya. at dream din niayng magkaron ng engagement ring like mine. bwahahaha!  ang lalaking mahilig sa alahas. ndi ako sanay kasi ndi naman ganun mga kapatid ko. at tatay ko mahilig man sa accessories, ndi naman gold.

the mothers' and entourage gowns...sa tita ni vaan! mura na, maganda na, hindi pa ko nastress! college palang kami, alam ko ng ung mga damit ni vaan eh tita lang niya ung gumagawa. nagreresearch si vaan ng paggagayahan (like sa magazine/internet), they buy the cloth tapos kay tita ipapagawa. kaya naisip ko, pag kinasal ako, sa tita nalang ni vaan! sakto, dream din ni vaan maging stylist. nagwhawhatsapp lang ako kay vaan tapos siya na bahala sa lahat. mejo mahirap nga lang magpunta sa condo niya. along edsa eh. trafficness galore!!! meron lang mga slight problems (like the mothers not liking their gown intially). pero in the end, they both looked beatiful!!!! mejo pahirapan sa pagfifit. ung ibang abay eh based abroad. so sila ang walang fitting. ung iba mejo maluwag/masikip daw..but for me, ok naman hitsura nilang lahat! and of course, i loved ung bolero at belt ko! so pasadong pasado to sa kin. at ndi ako nastress! sila vaan nga lang ang nastress at naabala sa iba ibang schedules ng mothers/abay ko for the measurements/fitting.

the groom's barong...mila s. de leon. ang dapat na gagawa ng gown ko. matino naman barong ni mot at ni daddy (ni mot). although ndi mashado special looking (biased pa din ako na kay ate malou magpagawa), pwede na rin! at importante, ndi nahassle si mot. hehehe! sa qc lang to kaya malapit lang sa kanila.

the hotel...PASEO PREMIER HOTEL. ay naku! hehehe! mahal na simple lang na hotel. walang ibang option. sila lang ung matino-tinong hotel na nasa area/on the way. hindi sila pumayag na 2 deluxe rooms lang ang kukunin namin. eh 2 nights ung kelangan ibook. so 2 rooms times 2 nights..may kabigatan. dapat daw suite ung sa bride! kasi sa dami ng papasok sa room ng bride on the day itself..dapat daw suite. pagkita namin sa suite..malaki nga. 2 rooms. ung isa, bedroom (may tv), ung isang room (talagang room..may door..hehehe), may couch, coffee table, salamin at sink. that's it. walang tv. walang frames/paintings/pampaganda. un na. hehehe! weird. pero sige ok na din. on the day mismo, tsaka namin narealize na may reason pala bakit kealngan naka-suite ang bride. napakaraming tao!!!! 8 ung photog/video team. sila ung nasa bedroom, pinipicturean ang gown ko at accessories. dun sa living room, dun kami ni-makeupan ni nanay tapos andun din ung 5 na coordinators (na kwentuhan to the max). partida ndi pa duamdating mga kapatid ko niyan. siksikan na kami. and the suite is nasa top floor ng hotel. walang nag-o-occupy na iba sa floor tapos functional hall/veranda ung nsa labas. so pwede tambayan pa ung area sa labas ng room. pwede sila magkwentuhan/kumain sa labas. kaya pala ayaw ng hotel na sa common room lang ng bride. maingay/tatambay sa corridor mga tao sa sikip. magrereklamo ibang guests. so ok na din. pero ang bfast buffet nila eh pang lunch (think pasta/beef stroganoff ang kinain namin at 7am in the morning..sakit sa ulo)

the program emcees...TRINA and DEREK SOTTO. my gradeschool/high school friends. super grateful to this couple! nakatipid kami. free of charge ang aming emcees. hahah! tapos talagang kilala pa kami. ang galing ng boka nila. binuking nila kami ng bonggang bongga..buti nalang ndi mashado attentive ang guests. pero galing ng 2 to. nagmeeting pa kami beforehand para mabigay sa kanila ang program at script. tawa sial ng tawa sa min kasi ndi ko pa napalitan ung ibang names sa script (i just got it from the internet). napaka-cool daw namin. wapakels. hahaha! basta un. super ok!

the souvenirs...DIVISORIA..salt and pepper shakers. pangarap ko sanang souvenir eh katsa bag. kaso naunahan ako ni rina (my cousin who got married last may). so kung ndi na pwede katsa bag, i want something practical and pasok sa budget. hence, salt and pepper shaker. pang mommy! hehehe! eh bakit ba. un gusto ko eh. hehehe! career nga lang ang pag balot. pinilit ko pang i-craft 101. ayun..10 years bago ko natapos ibalot lahat ng souvenirs and gifts. naubusan ako ng time at ndi na nakagawa ng avp. wrong decision. oh well. ok na din.

the on the day wedding coordinator...SPECIAL EVENTS BY THE PLANNER. naku..wrong decision to hire them. parang naghire lang kami ng mga yaya on the day. some OTD coordinators are super hands on. gusto ko sana ung coordinator ni kate. si anna. kaso ndi siya nagwowork ng sunday. ung ibang OTD packages include rsvp, pag conceptualize ng program, hosting the reception, etc etc. ung sa min, ung help nila before the actual event eh pagsend ng templates at pag-recommend ng band/lights and sounds. kami na lahat. samantalang ung sa ibang weddings ng friends ko, nung nagtatanong ako san bumili ng sparklers, ndi alam ng couple kasi ung coordinator ung bumili. ung sa min, nung tinanong ko sila, ang sagot, divi o online. ay winner! (ang correct answer eh sa DRAGON na ang office eh sa Ortigas. thank you to mot and mot's friend allen for picking it up) hehehe! nakuha ko un kasi un ung ginamit ng mga officemates ko sa SG noon. so kala ko un din makakatrabaho ko. turns out, ung kausap nila eh SG based. tapos eto ung PH team niya. so ung sa kin, ndi ko na nakausap ung mga taga-SG (ung mga main coordinators). ung PH team nalang. kaya ayun. sablay. pero for me ok na din. ndi naman sumakit ulo ko sa kasal. at feeling ko nagawa naman nila kung ano ung nihandover namin sa kanila. pwede na rin. although feedback ni keyx ndi mashado maayos mag-explain ung coordinators. oh well. tapos na. pinakamagaling pa rin na coordinator eh si MOT and ang NANAY ko. free of charge pa. labor of love lang. hehehehe! ayun lang!

the honeymoon...SHANGRILA BORACAY. super loved it!!!!! mag-iipon at babalik kami dito! next time na ang kwento.

nobela na to. mamaya na ulit. BOW!